MAGKAPATID
Running Time:
112 min
Lead Cast:
Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Christopher de Leon, Dingdong Dantes
Director:
Joel Lamangan- del Rosario
Producer:
Vic del Rosario
Screenwriter:
Mel Mendoza
Music:
Jessie Lasaten
Editor:
Tara Illenberger
Genre:
Drama
Cinematography:
Leslie Garchitorena
Distributor:
Viva Films
Location:
Metro Manila
Technical Assessment: • • • ½
Moral Assessment: + + + +
CINEMA Rating:
For viewers of all ages
Ang kasaysayan ng pelikulang ito na sa kasalukuyan ay pinipilahan sa takilya ay tungkol sa dalawang magkapatid na si Cita (Sharon Cuneta) at Liza (Judy Ann Santos). Si Cita ay isang kilalang doktor sa pagpapaanak, mapagmahal na asawa kay Bobby (Christopher de Leon) at napakamagiliw na ina sa kaisa-isang niyang anak na si Justin. Higit sa lahat siya ay napakatulungin sa kanyang kapatid na si Liza at sa kanyang asawang si Mike (Dingdong Dantes) at sa kanilang dalawang anak na si Marco at Miguel. Napakaganda ng samahan ng dalawang pamilya ng biglang dumating ang isang trahedya: nalunod at namatay si Justin at si Marco sa isang outing, at ito ay ibinintang ni Cita sa kapabayaan ni Liza.
Hindi matanggap ni Cita ang pagkamatay ng anak at dahil dito nabago ang buhay nilang mag-asawa (sila'y nagkahiwalay) at magkapatid. Matindi ang galit ni Cita sa kapatid at dahil dito ay hindi na niya itinuloy ang pagtulong dito kung kaya't inabot ng kahirapan sila Liza hanggang nagkasakit ng mabigat ang anak nitong si Miguel. Sinamantala ni Cita ang kahirapan nila Liza ng hiningi niya si Miguel bilang kapalit ng kanyang pumanaw na anak. Walang nagawa si Liza kung hindi pumayag sa kabila ng pagtanggi ng kanyang asawa sa paniniwala na ang isang anak ay hindi dapat mawalay sa magulang. Ano kaya ang hahantungan ng ganitong sitwasyon? Mababalik pa kaya sa dati ang samahan at pagmamahalan ng dalawang magkapatid at mag-asawang Cita at Bobby?
Ang pelikula ay maganda ang pagkakagawa, tama ang mga eksena, at diyalogo. Magaling ang mga artistang nagsiganap dito at bagay na bagay sila sa kani-kanilang mga papel. Ang pelikulang ito ay magandang aral sa mga pamilya. Ang magkakapatid ay dapat laging nagmamahalan at nagtutulungan. Ang mag-asawa naman ay dapat laging magmahalan at magdamayan sa hirap at sa ginhawa. Sana'y dumami pa ang ganitong mga panoorin na nakapagbibigay ng inspirasyon at magagandang aral.
As a 17th anniversary offering, Star Cinema brings together the most acclaimed actors of this generation to the big screen with Sa'yo Lamang. This family drama dares to step in the path trodden by the highly commended classic Tanging Yaman. Also helmed by Laurice Guillen, Sa'yo Lamang takes the story of a family torn apart by circumstances.
courtesy of youtube.com
No comments:
Post a Comment